How to Make Your Siomai Home-Based Business

How to Make Your Siomai Home-Based Business

Sa hirap ng buhay ngayon, tayo ay naghahanap ng mga ideya kung ano kaya ang maaari nating gawing negosyo na nangangailangan lamang ng hindi malakihang capital at higit sa lahat ay yung maaari lang nating gawin sa bahay o home-based business.

Ang recipe ito na aming ibabahagi sa iyo ay maaaring maging kasagutan na sa iyong pangarap na makapagpatayo ng sarili mong negosyo na mapagkukuhanan mo ng extra o full-time income. Kung tututukan mo ng husto, maaaring matupad na nito ang mga pangarap mo sa buhay. Maraming naaakit na magtayo at nagtatagumpay sa food business sapagkat hindi kailanman mawawalan ng mga tao na kailangang kumain. Halos araw araw kailangan ng mga tao na kumain. Ang pagkain ang isa sa pinakakailangan ng mga tao.

Pagkabasa ng nito, sana ay ma-inspire namin kayo, ma-equip ng mga fundamental na mga kaalaman, at ma-mobilize na makapagsimula ng negosyong ito na puwede mo na ngayong pagkakitaan

Sa segment na ito ngayon, ating tututukan kung papaano gumawa ng siomai.

Tara, magsimula na tayo!

Home-Based Siomai Business: Negosyong Patok na maaari mong simulan sa inyong tahanan

Meat Materials

1 kilo pork (pigue) na coarsely ground

Luto at tinadtad na Hipon

 

Curing Mix

1 kutsarang repinadong asin

½ kutsaritang curing salt

1 kutsaritang phosphate

½ tasang tubig


Seasonings

2 kutsarang tinadtad na bawang

½ kutsarang dinurog na paminta

¾ tasang shredded na carrot

2 piraso ng itlog na may medium na laki

½ bar ng keso (grated)

½ kutsarang vetsin (MSG)

1 kutsarang sesame oil

¼ tasang starch

2 packs molo wrapper

 

Extenders

½ tasang Texture Vegetable Protein (TVP)

½ kutsaritang Carageenan

½ tasang tubig

 

Sauce

½ tasang toyo

½ tasang calamansi juice

4 kutsarang asukal

1 kutsaritang dinurog na paminta

¼ kutsaritang vetsin

2 kutsarang sesame oil

4 kutsarang bawang na pinirito


Chilli Flakes

Para sa chilli flakes, magtadtad ng 4 kutsarang siling labuyo at dagdagan ito ng 4 kutsarang bawang. Iprito gamit ang atsuete oil. Para gumawa ng atsuete oil, iprito lamang ang atsuete sa konting mantika.

Pamamaraan ng Pagluluto

  1. Ihanda ang extender mixture.
  2. Ihalo ang karne sa curing mix hanggang sa lumagkit.
  3. Pagkaraan, pagsamahin ang lahat ng sangkap at balutin sa molo wrapper.
  4. Pasingawan ng 30 minuto.
  5. Pagsamahin ang sangkap sa sawsawan.
  6. Kung may matitira sa paninda ay maaaring itago sa refrigerator.
  7. Pasingawin muli ng 5-10 minuto bago itinda.

 

Yield

1 piraso = 2 teaspoons meat mixture

 

For more HomeBased Business Ideas and Recipes, you may DOWNLOAD our

“How to Start Your Own Meat Processing Business” eBook

“How to Start Your Own Meat Processing Business: Different Home-Based Business Ideas that You can Start Today” ebook

Layunin ng libro na ito na tulungan ang mga mambabasa na makapagsimula ng kanilang small-time business na tumututok sa iba’t ibang mga meat processed tulad na ng tocino, longganisa, at marami pang iba na maaari niyang gawin lamang sa bahay.

Ang libro na ito ay compilation mula sa maraming online resources at mga seminars na napuntahan mismo ng may-akda na nagtuturo ng iba’t ibang meat-processed products na maaari mong gawing negosyo at simulan sa inyong bahay.

Simple lang ang pagkakasulat ng librong ito in Conversational Tagalog at sinikap namin na madali siyang intindihin ng bawat mambabasa.

Pagkabasa ng librong ito, sana ay ma-inspire naming kayo, ma-equip ng mga fundamental na mga kaalaman, at ma-mobilize na makapagsimula ng negosyong ito na puwede mo na ngayong pagkakitaan.