How to make your Homemade Pork Tocino

Sa hirap ng buhay ngayon, tayo ay naghahanap ng mga ideya kung ano kaya ang maaari nating gawing negosyo na nangangailangan lamang ng hindi malakihang capital at higit sa lahat ay yung maaari lang nating gawin sa bahay o home-based business.

Ang recipe ito na aming ibabahagi sa iyo ay maaaring maging kasagutan na sa iyong pangarap na makapagpatayo ng sarili mong negosyo na mapagkukuhanan mo ng extra o full-time income. Kung tututukan mo ng husto, maaaring matupad na nito ang mga pangarap mo sa buhay. Maraming naaakit na magtayo at nagtatagumpay sa food business sapagkat hindi kailanman mawawalan ng mga tao na kailangang kumain. Halos araw araw kailangan ng mga tao na kumain. Ang pagkain ang isa sa pinakakailangan ng mga tao.

Pagkabasa ng nito, sana ay ma-inspire namin kayo, ma-equip ng mga fundamental na mga kaalaman, at ma-mobilize na makapagsimula ng negosyong ito na puwede mo na ngayong pagkakitaan

Sa segment na ito ngayon, ating tututukan kung papaano gumawa ng Homemade Tocino.

Tara, magsimula na tayo!

Meat Materials

1 kilo ng pork pigue o kasim (meron o walang skin) o

1 kilo ng boneless pork pigue o kasim na hiniwa na may kapal na ¼ inch

*Ang recipe na ito ay maaari ding gawin sa karne ng manok o baka.


Curing Mix

1 kutsarang repinadong asin

½ kutsarang curing salt

1 kutsarang phosphate na hinalo sa ¼ tasang tubig

¼ kutsaritang Vitamin C Powder

Extenders

Sa ¼ to ½ tasang malamig na tubig, ihalo ang mga sumusunod:

1 kutsarang Isolate

1 kutsarang Carageenan


Seasonings

1 tasang repinadong asukal

2 kutsarang tinadtad na bawang

2 kutsarang anisado wine

¼ tasang pineapple juice

½ kutsarang vetsin

1 kutsaritang food color (allura red)

½ kutsaritang meat enhancer

 

Pamamaraan ng Pagluluto

  1. Ihalo ang karne sa four first ingredients: asin, curing salt, phosphate at vitamin C. Idagdag ang extenders at ihalo nang maigi hanggang matuyo.
  2. Idagdag ang natitirang sangkap at ihalong maigi.
  3. I-cure sa refrigerator ng 1-2 araw.
  4. I-pack sa polyethylene bag ang ¼ o ½ kg ng tocino.
  5. Itago sa freezer.

Packaging Material

Polyethylene Bag

 

For more HomeBased Business Ideas and Recipes, you may DOWNLOAD our

“How to Start Your Own Meat Processing Business” eBook

“How to Start Your Own Meat Processing Business: Different Home-Based Business Ideas that You can Start Today” ebook

Layunin ng libro na ito na tulungan ang mga mambabasa na makapagsimula ng kanilang small-time business na tumututok sa iba’t ibang mga meat processed tulad na ng tocino, longganisa, at marami pang iba na maaari niyang gawin lamang sa bahay.

Ang libro na ito ay compilation mula sa maraming online resources at mga seminars na napuntahan mismo ng may-akda na nagtuturo ng iba’t ibang meat-processed products na maaari mong gawing negosyo at simulan sa inyong bahay.

Simple lang ang pagkakasulat ng librong ito in Conversational Tagalog at sinikap namin na madali siyang intindihin ng bawat mambabasa.

Pagkabasa ng librong ito, sana ay ma-inspire naming kayo, ma-equip ng mga fundamental na mga kaalaman, at ma-mobilize na makapagsimula ng negosyong ito na puwede mo na ngayong pagkakitaan.