How to make your Homemade Longganisa

Sa hirap ng buhay ngayon, tayo ay naghahanap ng mga ideya kung ano kaya ang maaari nating gawing negosyo na nangangailangan lamang ng hindi malakihang capital at higit sa lahat ay yung maaari lang nating gawin sa bahay o home-based business.

Ang recipe ito na aming ibabahagi sa iyo ay maaaring maging kasagutan na sa iyong pangarap na makapagpatayo ng sarili mong negosyo na mapagkukuhanan mo ng extra o full-time income. Kung tututukan mo ng husto, maaaring matupad na nito ang mga pangarap mo sa buhay. Maraming naaakit na magtayo at nagtatagumpay sa food business sapagkat hindi kailanman mawawalan ng mga tao na kailangang kumain. Halos araw araw kailangan ng mga tao na kumain. Ang pagkain ang isa sa pinakakailangan ng mga tao.

Pagkabasa ng nito, sana ay ma-inspire namin kayo, ma-equip ng mga fundamental na mga kaalaman, at ma-mobilize na makapagsimula ng negosyong ito na puwede mo na ngayong pagkakitaan

Sa segment na ito ngayon, ating tututukan kung papaano gumawa ng longganisa.

Tara, magsimula na tayo!

Mga Sangkap

 

½ kilo ng giniling na baboy (puro laman)

¼ kilo na taba ng baboy

1/8 kutsaritang salitre

3 bawang na pinitpit

1/8 kutsaritang dahon ng laurel na dinurog

1 kutsarang pulang asukal

2 kutsarang toyo

2 kutsarang suka

1 kutsaritang asin

1 kutsaritang paprika

½ kutsaritang pamintang buo

½ kutsaritang siling pula na tinadtad

Pambalot ng Longganisa


Pamamaraan ng Pagluluto

  1. Paghaluin lahat ng sangkap maliban sa pambalot.
  2. Hayaan ng isang oras.
  3. Talian ng sinulid na pangluto ang isang dulo ng pambalot at unti-unting ipasok sa binabad na karne.
  4. Talian sa gitna ng longganisa nang naaayon sa gustong laki.
  5. Ilagay sa freezer upang ihanda na sa pagbebenta

 

For more HomeBased Business Ideas and Recipes, you may DOWNLOAD our

“How to Start Your Own Meat Processing Business” eBook

“How to Start Your Own Meat Processing Business: Different Home-Based Business Ideas that You can Start Today” ebook

Layunin ng libro na ito na tulungan ang mga mambabasa na makapagsimula ng kanilang small-time business na tumututok sa iba’t ibang mga meat processed tulad na ng tocino, longganisa, at marami pang iba na maaari niyang gawin lamang sa bahay.

Ang libro na ito ay compilation mula sa maraming online resources at mga seminars na napuntahan mismo ng may-akda na nagtuturo ng iba’t ibang meat-processed products na maaari mong gawing negosyo at simulan sa inyong bahay.

Simple lang ang pagkakasulat ng librong ito in Conversational Tagalog at sinikap namin na madali siyang intindihin ng bawat mambabasa.

Pagkabasa ng librong ito, sana ay ma-inspire naming kayo, ma-equip ng mga fundamental na mga kaalaman, at ma-mobilize na makapagsimula ng negosyong ito na puwede mo na ngayong pagkakitaan.