How to make your Homemade Hamburger

Sa hirap ng buhay ngayon, tayo ay naghahanap ng mga ideya kung ano kaya ang maaari nating gawing negosyo na nangangailangan lamang ng hindi malakihang capital at higit sa lahat ay yung maaari lang nating gawin sa bahay o home-based business.

Ang recipe ito na aming ibabahagi sa iyo ay maaaring maging kasagutan na sa iyong pangarap na makapagpatayo ng sarili mong negosyo na mapagkukuhanan mo ng extra o full-time income. Kung tututukan mo ng husto, maaaring matupad na nito ang mga pangarap mo sa buhay. Maraming naaakit na magtayo at nagtatagumpay sa food business sapagkat hindi kailanman mawawalan ng mga tao na kailangang kumain. Halos araw araw kailangan ng mga tao na kumain. Ang pagkain ang isa sa pinakakailangan ng mga tao.

Pagkabasa ng nito, sana ay ma-inspire namin kayo, ma-equip ng mga fundamental na mga kaalaman, at ma-mobilize na makapagsimula ng negosyong ito na puwede mo na ngayong pagkakitaan

Sa segment na ito ngayon, ating tututukan kung papaano gumawa ng Homemade Hamburger.

Tara, magsimula na tayo!

Meat Materials

½ kilo laman ng baka na giniling

½ kilo laman ng baboy na giniling

                                               

Curing Mix

½ kutsarang asin repinado

½ kutsarang phosphate, hinalo sa ¼ tasang tubig

 

 Extenders

Sa ½ tasang malamig na tubig, pagsama-samahin ang mga sumusunod:

1 kutsarang Isolate

¼ tasang Texture Vegetable Protein (TVP)

1 kutsarang Carageenan


Seasonings

1 kutsarang asukal

1 kutsarang dinurog na paminta

1 kutsarang bawang na tinadtad o

1 kutsarang garlic powder

½ kutsaritang MSG

½ kutsaritang meat enhancer

½ tasang sibuyas na tinadtad

½ kutsaritang celery powder

1 kutsarang hamburger seasoning

2 kutsarang milk powder

1 pc. Itlog (medium)

½ tasang bread crumbs o

4 kutsarang potato starch o

½ tasang all purpose flour


Pamamaraan ng Pagluluto

  1. Ihanda ang curing mix at extenders. Ihanda ang karne. Paghaluin lahat ng sangkap.
  2. Para maging buo ang mga patties, i-refrigerate ang mixture.
  3. Ihulma sa patties ang mixture gamit ang hamburger molder (1 to 2 tbsp. per patty) kasama ang nakalapad na plastic na magsisilbing ballot.

 

Tips

  • Pwede ninyong i-substitute ang chicken o fish fillet sa baboy o baka na hamburger

 

For more HomeBased Business Ideas and Recipes, you may DOWNLOAD our

“How to Start Your Own Meat Processing Business” eBook

“How to Start Your Own Meat Processing Business: Different Home-Based Business Ideas that You can Start Today” ebook

Layunin ng libro na ito na tulungan ang mga mambabasa na makapagsimula ng kanilang small-time business na tumututok sa iba’t ibang mga meat processed tulad na ng tocino, longganisa, at marami pang iba na maaari niyang gawin lamang sa bahay.

Ang libro na ito ay compilation mula sa maraming online resources at mga seminars na napuntahan mismo ng may-akda na nagtuturo ng iba’t ibang meat-processed products na maaari mong gawing negosyo at simulan sa inyong bahay.

Simple lang ang pagkakasulat ng librong ito in Conversational Tagalog at sinikap namin na madali siyang intindihin ng bawat mambabasa.

Pagkabasa ng librong ito, sana ay ma-inspire naming kayo, ma-equip ng mga fundamental na mga kaalaman, at ma-mobilize na makapagsimula ng negosyong ito na puwede mo na ngayong pagkakitaan.