How to make your Homemade Beef Tapa

Sa hirap ng buhay ngayon, tayo ay naghahanap ng mga ideya kung ano kaya ang maaari nating gawing negosyo na nangangailangan lamang ng hindi malakihang capital at higit sa lahat ay yung maaari lang nating gawin sa bahay o home-based business.

Ang recipe ito na aming ibabahagi sa iyo ay maaaring maging kasagutan na sa iyong pangarap na makapagpatayo ng sarili mong negosyo na mapagkukuhanan mo ng extra o full-time income. Kung tututukan mo ng husto, maaaring matupad na nito ang mga pangarap mo sa buhay. Maraming naaakit na magtayo at nagtatagumpay sa food business sapagkat hindi kailanman mawawalan ng mga tao na kailangang kumain. Halos araw araw kailangan ng mga tao na kumain. Ang pagkain ang isa sa pinakakailangan ng mga tao.

Pagkabasa ng nito, sana ay ma-inspire namin kayo, ma-equip ng mga fundamental na mga kaalaman, at ma-mobilize na makapagsimula ng negosyong ito na puwede mo na ngayong pagkakitaan

Sa segment na ito ngayon, ating tututukan kung papaano gumawa ng beef tapa.

Tara, magsimula na tayo!

Mga Sangkap

1 kilo ng baka, lean (wala gaanong taba), hiniwa nang ¼ inch thick

Curing Mix

½ kutsarang asin, repinado

½ kutsaritang curing salt

1 kutsaritang phosphate, hinalo sa ¼ tasang tubig

¼ kutsaritang vitamin C powder


Extenders:

Sa ½ tasa ng tubig, ihalo ang mga sumusunod:

1 kutsaritang Isolate

1 kutsaritang Carageenan

 

 Seasonings

6 kutsaritang asukal repinado

1 kutsarang black pepper pino

2 kutsarang tinadtad na bawang; o

2 kutsaritang garlic powder

2 kutsarang anisado wine

½ kutsaritang vetsin (MSG)

½ kutsaritang meat enhancer

¼ tasang toyo

¼ tasang suka

                                                                                                                                       

Pamamaraan ng Pagluluto

  1. HIwain ang karne ng ¼ thick.
  2. Ihalo lahat ng curing mix hanggang sa maging malagkit.
  3. Idagdag ang extenders sa karne at ihalo nang maigi.
  4. Idagdag ang seasoning at ihalo nang maigi ang lahat ng ingredients.
  5. Ilagay sa white plastic container ang mixture na may maluwag na takip at i-cure sa di mainit na lugar 8-10 hours o kaya’y i-refrigerate sa gitnang compartment ng refrigerator.
  6. Ihalo muli bago i-pack.
  7. Itago sa freezer.

 

Packaging Material

Polyethylene Plastic Bag

 

For more HomeBased Business Ideas and Recipes, you may DOWNLOAD our

“How to Start Your Own Meat Processing Business” eBook

“How to Start Your Own Meat Processing Business: Different Home-Based Business Ideas that You can Start Today” ebook

Layunin ng libro na ito na tulungan ang mga mambabasa na makapagsimula ng kanilang small-time business na tumututok sa iba’t ibang mga meat processed tulad na ng tocino, longganisa, at marami pang iba na maaari niyang gawin lamang sa bahay.

Ang libro na ito ay compilation mula sa maraming online resources at mga seminars na napuntahan mismo ng may-akda na nagtuturo ng iba’t ibang meat-processed products na maaari mong gawing negosyo at simulan sa inyong bahay.

Simple lang ang pagkakasulat ng librong ito in Conversational Tagalog at sinikap namin na madali siyang intindihin ng bawat mambabasa.

Pagkabasa ng librong ito, sana ay ma-inspire naming kayo, ma-equip ng mga fundamental na mga kaalaman, at ma-mobilize na makapagsimula ng negosyong ito na puwede mo na ngayong pagkakitaan.