How to make your Homemade Kikiam

Sa hirap ng buhay ngayon, tayo ay naghahanap ng mga ideya kung ano kaya ang maaari nating gawing negosyo na nangangailangan lamang ng hindi malakihang capital at higit sa lahat ay yung maaari lang nating gawin sa bahay o home-based business.

Ang recipe ito na aming ibabahagi sa iyo ay maaaring maging kasagutan na sa iyong pangarap na makapagpatayo ng sarili mong negosyo na mapagkukuhanan mo ng extra o full-time income. Kung tututukan mo ng husto, maaaring matupad na nito ang mga pangarap mo sa buhay. Maraming naaakit na magtayo at nagtatagumpay sa food business sapagkat hindi kailanman mawawalan ng mga tao na kailangang kumain. Halos araw araw kailangan ng mga tao na kumain. Ang pagkain ang isa sa pinakakailangan ng mga tao.

Pagkabasa ng nito, sana ay ma-inspire namin kayo, ma-equip ng mga fundamental na mga kaalaman, at ma-mobilize na makapagsimula ng negosyong ito na puwede mo na ngayong pagkakitaan

Sa segment na ito ngayon, ating tututukan kung papaano gumawa ng kikiam.

Tara, magsimula na tayo!

Mga Sangkap

1/2 kilong baboy na malaman

1 sibuyas

Arina o Gawgaw

2 itlog

Baking powder

¼ kilong hipon

 

Pamamaraan ng Pagluluto

  1. Hiwain nang maliliit ang baboy at palambutin. Ihalanos ang hipon at alisan ng balat. Pagkatapos ay hiwain nang maliliit na tulad sa baboy.
  2. Kapag malambot na ang baboy ay ihalo sa hipon.
  3. Magtimpla ng arina o gewgaw sa isang tasa. Samahan ng kaunting baking powder. Isama ang dalawang itlog at batihin upang magkahalong mabuti.
  4. Timplahan ng kaunting asit at vetsin kung nais.
  5. Ihalo dito ang baboy at hipon. Iporma ng hugis pahaba. I-pack at itago sa freezer.

Tips

  • Para makagawa ng squidball, i-substitute ang baboy at hipon sa giniling na pusit na tinanggalan ng tinta

 

For more HomeBased Business Ideas and Recipes, you may DOWNLOAD our

“How to Start Your Own Meat Processing Business” eBook

“How to Start Your Own Meat Processing Business: Different Home-Based Business Ideas that You can Start Today” ebook

Layunin ng libro na ito na tulungan ang mga mambabasa na makapagsimula ng kanilang small-time business na tumututok sa iba’t ibang mga meat processed tulad na ng tocino, longganisa, at marami pang iba na maaari niyang gawin lamang sa bahay.

Ang libro na ito ay compilation mula sa maraming online resources at mga seminars na napuntahan mismo ng may-akda na nagtuturo ng iba’t ibang meat-processed products na maaari mong gawing negosyo at simulan sa inyong bahay.

Simple lang ang pagkakasulat ng librong ito in Conversational Tagalog at sinikap namin na madali siyang intindihin ng bawat mambabasa.

Pagkabasa ng librong ito, sana ay ma-inspire naming kayo, ma-equip ng mga fundamental na mga kaalaman, at ma-mobilize na makapagsimula ng negosyong ito na puwede mo na ngayong pagkakitaan.